Menu

Pilipino Tayo

Mabuhay!

Kagandahang Asal

May 25, 2015

Masarap sariwain sa ating alaala ang mga ginintuang asal na ating natutuhan sa ating bayang sinilangan. Mga kasabihan at alituntunin sa buhay na walang kupas ang nagbibigay liwanag sa ating isipan kung tayo ay naguguluhan sa takbo ng ating buhay. Itanim sa ating isipan, pagyamanin sa ating puso at anihin sa ating pagkatao ang mga bunga ng mga magagandang asal na ating nasanayan sa ating pagkabata. Pagsapit man ng takip silim, sasalubungin tayo ng bawat ningning ng mga bituin na sumusubaybay sa atin. Bawat kislap nito ay katumbas ng ating wagas na kaligayahan hangang sa ating huling sandali.

OPM, Showbiz News, Chow King, Goldilocks, Jollibee, SM Malls, Pinoy Telesoaps OFW, Jeepneys, NAIA, FB, modern gadgets, online shopping yan ang mga makabagong takbo ng buhay sa Pilipinas. Itong ang mga nagpapaikot ng buhay ng mga makabagong Pilipino.  Sakabila ng mga malalaking pagbabago sa Pilipinas, dapat pa rin nating isaisip ang mga magagandang simulain na ating kinamulatan at kinalakihan.      

Go Back

Comment