Menu

Pilipino Tayo

Mabuhay!

Mga Sariling Katangiang Pilipino.

Alamin ang iyong pagkaPilipino

Ang ating pagiging Pilipino ay makikita sa salita, sa gawa at sa isip

Kung gaano mo nararamdaman ang pagiging isang Pilipino ay doon natin masusukat ang pagmamahal natin sa ating bayang Pilipinas. Marami tayong mga bagay na maaring gamiting sukatan para makilala ang mga katangiang Pinoy sa ating anyo, sa ating pagsasalita, sa ating mga ugali at kilos.  Maaring taglay mo ang pangkaraniwang katangian ng isang Pilipino ngunit ito ay hindi sapat na batayan para ipakita mo ang pagmamahal sa ating lupang sinilangan.

Mga palatandaang ikaw ay may dugong Pinoy.

1. Nagmamano ka

2. Nasa poder ka pa ring ng magulang mo kahit ikaw ay mahigit 20 anyos na

3. Kahit matanda na ang mga magulang mo hindi mo sila iaako sa mga nursing homes at handa mo silang alagaan magpakailanman.

4. Sa iyong salas nakapalamuti ang mga diploma, mga plake at mga graduation pictures.  

5. Sa iyong hapag kainan may nakadisplaying malaking larawan ng last supper.

6. Mahilig kang kumunsulta sa experto sa feng shui lalo na kung ikaw ay magnenegosyo.

7. Mahilig kang maniwala sa mga pamahiin o maglagay ng  lucky charm o pampasuwerte sa bahay.

8. Bawat silid ay may Santo Nino.

9. May tabong gamit sa paliguan.

10. Bato ang gamit mong panghilod sa paliligo.

11. Mahilig magmumog ng asin kung masakit ang lalamunan.

12. Mahigit sa 3 beses kumain sa isang araw. 

13. Ang pagkain mo ay hindi kompleto kung walang kanin.

14. Kutsara at tinidor ang gamit mo sa pagkain.

15. Hindi mo kailangan ang kutsilyo para hiwain ang iyong pagkain.

16. Nagsisimula ang oras ng  pagkain sa dasal na pasasalamat sa grasya.

17. Ang sinumang dumaan ay binabati ng “ Halina kain na po tayo” kung ikaw ay habang kumakain.

18. Masarap kang kumain habang nagkakamay at nagkukuwentuhan ng buhay-buhay.

19. Maraming pagkain kang inihahanda sa bisita hindi lamang isang putahe.

20. Iniiikot mo ang iyong plato pag natapos na ang isang miyembro ng pamilya at siya ay mauuna ng tumayo sa hapagkainan.

21. Sa trabaho ay lagi kang may baong pagkain.

22. Lagi kang may nakatabing sardinas, spam o corned beef sa kusina kung may biglaang bisitang dumating.

23. Patis, toyo, ketsup, bagoong o kaya suka  ang mga laging sawsawang nakahanda sa iyong hapag kainan

24. Ang hotdog, ham o spam ang paboritong almusal sa fried rice kung walang tapsilog. 

25. Mahilig ka sa kapeng barako at pandesal.

26. Nakatoothpick agad pagkatapos kumain.

27. Ang spaghetti ay yung may hotdog, giniling at may ketsup na halo kaya matamis at mapula siya

28. May rosaryo ang harapan ng karamihang sasakyan para malayo sa aksidente.

29. Sa bawal na loading, doon bumababa ang mga pasahero at doon din pumapara

30. Reunion sa pamilya ang araw ng All Saint’s Day dahil nagkikita-kita sila sa sementeryo.

31. Sa unang buwan ng Setyembre nagsisimula ang panahon ng kapaskuhan at natatapos sa buwang ng Enero.

32. Pag mahal na araw makikita ang laganap na katahimikan sa Pilipinas.

33. Ang bahay mo ay may parol at belen na dekorasyon kung pasko.

34. Nagnonobena ka para gumaling ang ano mang karamdaman.

35. Bawat simbahan na madaanan ay nagaantanda ka ng krus.

36. Ugali mo ang magpadala ng balikbayan boxes ng mga pinaglumaang gamit mo o kaya mga pasalubong o regalo sa pasko.

37. Mahilig kang magdala ng mga souvenir na galing sa hotel, restaurant o eroplanong sinakyan mo.

38. Softdrinks ang binibigay mo sa bisita para inumin.

39. Lagi kang may pasalubong sa iyong mga pamilya at kaibigan pag dating mo sa biyahe.

40.  Ugali mong bumili ng pakyawan sa  divisoria o baclaran at  mahilig kang tumawad.

41. Sa Baclaran o  Quaipo ka nagsisimba

 

42. Bago kang bumili ng damit o gamit, tinitingnan mo muna kung saan ito gawa o kaya ang tatak nito.

43. Mahilig kang tumuro na gamit ang iyong labi

44. Nakikiraan ka o Nagsasabi ng “Excuse me” kung dumaraan ka sa harap ng may naguusap.

45. Napapakamot ka sa ulo kung hindi mo alam ang sagot sa tanong

46. Ngiti ang sagot mo sa mga tanong o sinasabi sa iyong hindi mo naiintindihan.

47. Paghingi ng bill sa restaurant, “boss” ang tawag mo sa waiter.

48. Mahilig kang gumamit ng pagpapaikli ng salita gaya ng CR- Comfort Room, TNT- Tago ng Tago, DOM- Dirty Old Man, TL- True Love.

49. “Long time, no see!”  Ang pagbati mo sa taong matagal mong hindi nakita.  

50. Ang tawag mo sa toothpaste ay “ Colgate”.

 

Ito ay ilan lamang sa mga karaniwang ugali o kilos na maari nating makilala ang ating mga kababayan lalo na kung tayo ay nasa ibang bayan.  Ibat –ibang mensahe ang dating ng ating mga kilos sa mata ng mga banyaga o dayuhan.  Ating pagkatandaan na sa ating bawat kilos ito ay ating mga karapatang sarili, huwag nating ikahiya basta wala tayong ginagawang masama o mga taong nasasaktan hindi natin dapat ikubli ang ating pagkaPilipino. Marami tayong mga magagandang sariling  katangiang Pilipinop na mahirap makita sa anumang lahi sa buong mundo. Ipagmalaki natin ang ating pagiging Pilipino kahit ano pa ang sabihin ng iba, Bawat  lahi ay may ibat-ibang paguugali at batayan ng kilos. 

Ang ating sariling katangian na minana natin sa ating mga dakilang ninuno ay hindi mabibili ng ano mang yaman o rangya sa mundo.