Bagumbayan, Sa Muling Pagkikita
Ikaw ay palagi kong alaala sa aking pagkabata
Sa isang kisap mata, muli mong bihuhay ang lumipas
Ang kahapon at ngayon ay puno ng pagasa dahil sa
pagsilang ng bagong umaga
Bagumbayan, ako ay naulila sa iyong likas na kagandahan
Hinanaphanap kita sa lahat ng sulok ng mundo
Sadya kang walang katulad.
Naglakbay ang aking diwa
sa mga araw ng aking pagkabata
Ang tamis ng iyong mga ngiti
Kahit pusong pighati
ay nabihag sa mga dahon at bulaklak na nakapaligid sa iyo
Sa aking gunita sa tuwina
Aking naririnig ang halakhak ng aking mga kababata
at nasisilayan ang munting bakas ng aming mga yapak
habang tumatakbo patungo sa bilihan ng sorbetes
Sa init ng panahon, bagumbayan ay pasyalan at libangan
ng mga munting angel ng aking panahon
Bagumbayan, Tangi kang saksi
Sa Tanikalang ginto
na kumitil sa ating kalayaan
Bagamat sa iyong puso nakakubli
ang susi ng kasaysayan ng Pilipinas
Sagisag ka ng Bagong Pilipinas
Noon sa aking pagkabata
Sa paglubog ng araw ay nakita
ko ang malupit na kahapon
na sinapit ni Gat Jose Rizal
sa mga malulupit na kaaway
Ngayon sa aking pagtanda
Sa pagsikat ng araw ay muli kong nasilayan
ang pagsapit ng masigabong bukas
na naghinhintay sa ating mga kabataan
at mga susunod pang hererasyon
Bukas sa aking takip silim
Panatag ang loob kong lisanin
ka pagkat nakaukit sa iyo ang dangal ng ating bayan
Sa kalangitan muli kitang tatanawin
Ang iyong walang kupas na kagandahan
ay busilak ng ating kalayaan
Alam kong hindi
ka pasisiil sa manlulupig
Ikaw ang Bagumbayan na pulso ng ating kasaysayan.
BB
Ang Lahing Kayumanggi
Ito ang kasaysayan ng ating lahi
Ang lahing kayumanggi
Balutin mo man ng ginto ang iyong kulay
Lilitaw at lilitaw ang iyong pinagmulan
Ang makulay nating kasaysayan ay saksi sa ating kahapon
Ngayon sumisikat na ang araw
Gumising tayo at baybayain nating ang bagong umaga
na puno ng pagasa
Ipagsigawan natin ang dangal ng ating lahing Pilipino
Iwagayway nating and ating bandila
Ipagbunyi natin ang busilak ng pusong Pilipino na makita sa ating kultura.
Isang puso, Isawng diwa sa mata ng diyos at sa pulso ng mundo
Ikaw, ako, tayo ay mga Pilipino.
by Lourdes Briones Khan